Tatlong Halimbawa Ng Pangngalan

Tatlong halimbawa ng pangngalan

Ilang halimbawa ng pangngalan:

  • tinapay
  • kutsilyo
  • radyo
  • kurtina
  • sahig
  • Gabriela Silang
  • Manuel Quezon
  • Andres Bonifacio
  • Maynila
  • Baguio
  • Araw ng Kagitingan
  • Araw ng mga Patay

Ano ang pangngalan?

Ang pangngalan, na sa Ingles ay kilala bilang "noun", ay tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Ito ay may dalawang uri - Pambalana at Pantangi.

Ang Pantangi ay tumutukoy sa isang partikular na tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari kaya itoy nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:

Jose Rizal

SM Investments Corporation

Araw ng Kalayaan

Ang Pambalana naman ay tumutukoy sa pangkalahatan kaya ito ay nagsisimula sa maliit na titik lamang.

Halimbawa:

eskwelahan

simbahan

tubig

Ang Pambalana ay may dalawang uri - konkreto at di-konkreto.

Ang Konkreto (Ingles: concrete) ay pambalana na nahahawakan.

Halimbawa:unan

kumot

lapis

Ang Di-Konkreto (Ingles: abstract) naman ay pambalana na hindi nahahawakan.

Halimbawa:

pagkakaibigan

inggit

katalinuhan

#JuneChallenge


Comments

Popular posts from this blog

Anong Meaning Ng Hinahabol Ang Karayom

10 Characteristics Contemporary Arts