Tatlong Halimbawa Ng Pangngalan
Tatlong halimbawa ng pangngalan Ilang halimbawa ng pangngalan: tinapay kutsilyo radyo kurtina sahig Gabriela Silang Manuel Quezon Andres Bonifacio Maynila Baguio Araw ng Kagitingan Araw ng mga Patay Ano ang pangngalan? Ang pangngalan , na sa Ingles ay kilala bilang "noun", ay tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Ito ay may dalawang uri - Pambalana at Pantangi. Ang Pantangi ay tumutukoy sa isang partikular na tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari kaya itoy nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: Jose Rizal SM Investments Corporation Araw ng Kalayaan Ang Pambalana naman ay tumutukoy sa pangkalahatan kaya ito ay nagsisimula sa maliit na titik lamang. Halimbawa: eskwelahan simbahan tubig Ang Pambalana ay may dalawang uri - konkreto at di-konkreto. Ang Konkreto (Ingles: concrete) ay pambalana na nahahawakan. Halimbawa:unan kumot lapis Ang Di-Konkreto (Ingles: abstract) naman ay pambalana na hindi nahahawakan. Halimbawa: pagkakaibigan inggit katalinuhan #...